Mag-amang LeBron nag-dance marathon

Game na game na humataw ng sayaw ang mag-amang LeBron at Bronny James sa dance-a-thon ni rapper Diddy sa Instagram nitong Easter Sunday.

Inorganisa ni Diddy ang event upang makalikom ng pang-suporta para sa healthcare workers na sumasagupa sa COVID-19 pandemic.

“The biggest dance-a-thon in the world! Supporting our healthcare workers!” anang songwriter/actor.

Nag-tweet si Diddy kinahapunan na pumalo na sa higit $3M ang nalikom sa event.

“This is a party with a purpose,” ani Diddy sa umpisa ng event.

Kasama sa mga humataw sina Jennifer Lopez, ex-MLB sstar Alex Rodriguez, DJ Khaled, Naomi Campbell, Snoop Dogg, Vin Rock, Rita Wilson, Tracee Ellis Rose, Lizzo, Swizz Beatz, Alicia Keys, Maluma, Mark Wahlberg, Michelle Obama at Madonna.

Si Oprah Winfrey ang nagbitaw ng unang donation, bagama’t hindi sinabi ni Diddy kung magkano.

Nag-pledge si Twitter CEO Jack Dorsey ng $2M. (VE)