Malagim ang sinapit ng mag-asawang balikbayan na namatay matapos bumangga sa puno at tumaob ang kanilang sasakyan sa Carcar City, Cebu.

Dead on the spot sanhi ng matinding pinsalang ti­namo sa ulo ng mag-asawang Keith at Nyjile Rosel, residente ng Sibonga.

Sa report sa Camp Crame kahapon, galing sa isang reunion noong Linggo ang mag-asawa nang pauwi na ang mga ito sakay ng pick-up truck habang lulan din ang walo pa nilang kaanak ay biglang sumalpok sa side railing ng national highway sa Barangay Ocaña sa Carcar City.

Sa lakas ng pagbangga, tuluyan pang sumalpok sa malaking puno ang sasakyan dahilan para ito’y buma­ligtad kung saan sugatan ang walo nilang kaanak.