Mag-asawa pinagtripan ng doppleganger

Mga ka-#Misteryo, may tumawag na ba sa inyong pangalan sa loob ng inyong bahay at ginaya pa ang boses ng anak mo o kaya ng asawa mo o ng parents mo? Kung ganito ang karanasan mo, nabiktima ka ng doppleganger, ang multo na nanggagaya ng hitsura o boses ng tao.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Anim taon na sa nilipatan nilang condo ang mag-asawang Ronelo at Martina ng San Juan, bagaman nakakaranas na sila ng misteryo sa condo ay kamakailan lang naranasan ni Ronelo ang presensya ng doppleganger.

Saktong alas-11:11 nang gabi habang abala sa panonood ng TV si Ronelo sa kanilang sala nang bigla siyang bulagain at marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan ng kanyang misis na si Martina mula sa loob ng kanilang silid.

Biglang tayo sa kinauupuang sofa si Ronelo at dali-daling pumasok sa masters bedroom para kausapin si Martina pero laking gulat niya sa nakita. Ito ang inu­sisa ng #Misteryo kay Ronelo.

Misteryo: “Paano mo narinig ‘yong pangalan mo?”

Ronelo: “Medyo malumanay na malakas ang pagtawag sa akin at boses ni misis ko pero nang pumasok ako sa room, nahihimbing sa pagtulog si Martina.

Misteryo: “Ilang beses ka tinawag ng doppleganger? Ito lang ba ang first time na nangyari sa iyo ito?”

Ronelo: “Oo ito ang una at sana wala nang panga­lawa, joke ha ha ha! Pero sandali, I think once na rin naka-encounter nang ganito si Martina. Boses ko naman daw ang ginaya sa pagtawag ng pangalan niya. Pero nangyari ‘yon nang daytime.”

Misteryo: “Wala naman bang nangyaring masama sa inyo bukod sa pagtawag ng name ninyo?

Any other para­normal experience?”

Ronelo: “Let me think first…teka… I think I remember some days in the past na nawawalan kami ng gamit, then few minutes to hours biglang litaw ng lost object. Wala namang harm kaming naranasan.”

Mapalad ang mag-asawang Ronelo at Martina dahil walang nangyaring masama sa kanila. Although puwedeng manakit o hostile ang ghosts depende sa sitwasyon. Kung doppleganger lang siya ‘yong manggaya lang ng mukha o boses ang karaniwang ginagawa niya.

Para sa inyong kuwentong kababalaghan o misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.