Mag-asawa sugatan, 14 kabahayan naabo

Isang mag-asawa ang kapwa nasugatan matapos na masunog ang kanilang inuupahan bahay na dumamay pa sa 14 pang mga kabahayan sa nangyaring sunog sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Nakilala ang mag-asawang biktima na sina Mila at Bernabe Dulay ng 12-Cuenco corner Mariveles, Brgy. Sta. Teresita ng nasabing lungsod, na nag tamo ng 1st at 2nd degree burn sa kanilang mga katawan.

Lumilitaw na nagsi­mula ang sunog dakong ala-1:45 ng hapon sa mismong inuupahan bagay ng pamilya Dulay na pag-aari naman ng isang nagngangalang Noemi Granpeñas.

Inabot ng 3rd alarm ang sunog bago tulu­yan itong ideneklarang fire under control dakong alas-2:33 ng hapon.

Patuloy pa rin na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang tunay na pinagmulan ng apoy.