Mag-asawang lagpas 80 ang edad, pinagnakawan na, pinatay pa

Part 6

Iniutos din niya sa kanyang mga tauhan na ipaalam sa punong tanggapan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal ang pangyayari upang makapagpadala ng imbestigador ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na magsisiyasat sa nangyaring krimen.

Mismong si P/Maj. Elmer Monsalve ang inatasan ni QCPD Director Joselito Esquivel na manguna sa isasaga­wang imbestigasyon upang mapabilis ang paglutas sa karumal-dumal na krimen.

Nang dumating sina Maj. Monsalve sa bahay ng pamilya Austria, kaagad niyang tinungo ang pinagkakitaan sa bangkay ng mag-asawa upang kumalap ng mga impormasyon habang hinihintay ang pagdating ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)

Ilang sandali pa, dumating ang mga tauhan ng SOCO sa pangunguna ni P/Capt.
Jose Bonifacio at maingat nilang isinagawa ang proseso sa wastong pagkalap ng mga ebidensiya na magagamit sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng salarin.

Sa unang pagsisiyasat pa lamang ng mga tauhan ni Maj. Monsalve, kaagad na tinutukan nila na pagnanakaw ang posibleng naging motibo sa pagpatay sa mag-asawa dahil dinatnan nilang magulong-magulo ang loob ng silid ng mag-asawa na palatandaang naghalungkat ang mga salarin.

Nakita naman ng mga tauhan ng SOCO sa loob ng bahay ng mga biktima ang isang duguang kitchen knife, isang bakal na tubo na may bahid din ng dugo, isang cellular phone, kulay pulang sando at isang short pants na parehong may mantsa ng dugo na maingat nilang kinalap upang ma-ipreserba at maipasuri sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory.