Iprinisinta kahapon ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolina­rio Jr. kay National Capi­tal Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang lider ng Martilyo Gang at mi­sis nito na sangkot umano sa ilang serye nang pang­hoholdap sa mga jewelry shop at malls sa Metro Manila.

Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Sulayman Dimaporo alias ‘Jomar’, nasa hustong gulang.

Bukod sa Martilyo Gang, lider din ito ng Muslim Utap Group at ang misis nitong si Warda Allamada, 41, at naninirahan sa Dalia St., Villa Esperansa, Molino 2, Bacoor, Cavite.

Nauna nang naaresto si ‘Jomar’ ng mga tauhan ng Station Intelligence Unit ng Las Piñas City Police sa panulukan ng Saging at Strawberry Sts., Barangay CAA nang nasabing lungsod dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa.

Dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay nadakip naman ang mi­sis nitong si Warda sa nasabing Barangay.