Sir / Madame,

Gusto na po namin ng asawa ko makauwi sa Pilipinas dahil ang hirap hirap na po ng sitwasyon namindito lalo na po sa pagkain. Sana po matulungan nyo po kami. Sa­lamat po. We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,
Mary Grace Corona­do

***

Sa kwento sa kanyang email sa U-OFW ang asawa niyang si JEFRIL SOTOYA CORONADO ay limang buwan nang hindi pinapasuweldo ng kanyang employer.

Pinagda-drive nang walang lisensiya simula Pebrero 3, 2015 hanggang sa kasalukuyan bukod pa sa paso na ang kanyang iqama.

Ang matindi pang pag-abusong dinaranas ni Jefril ay ang pagpapatrabaho sa OFW sa mga kapatid  ng kanyang employer kaya hindi na rin pinagde-day-off.

Dahil sagad sa trabaho ay madalas sumasama ang pakiramdam ni Jeril pero hindi sapat ang ibi­nibigay ditong medical assistance.

Si Jeril ay nakaalis ng Pilipinas sa pamamagitan ng PLATI­NUM BROTHERS INTERNATIONAL MANPOWER AGENCY na ang counterpart agency sa Saudi ay MANPOWER RECRUITING EST. at ang employer nito ay si SULTAN ALI AYED AL-QAHTANI.

Hindi naman tinukoy sa liham kung ano ang trabaho ng misis nitong nag-email sa U-OFW na pinamumunuan ni G. Monterona pero base sa nilalaman ng liham ay pareho silang nagtatrabaho sa Saudi.

Katulad ng ilang lu­malapit sa U-OFW, nai­parating na rin ang hinaing ng mag-asawa sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) pero nananati­ling walang aksyon ang nabanggit na mga ahensya ng gobyeno kaya sa pamamagitan ng Baya­niKa ay nananawagan tayo sa OWWA at POLO na bigyang atensyon ang kanilang kaso. Makikipag-ugnayan ang BayaniKa upang perso­nal na mailapit ang kaso ng mag-asawa at ilalathala namin sa mga susunod na araw ang magiging resulta.