Tuklasin ang alindog ng Grass Garden Resort and Villas sa Purok 4 Sipat, Plaridel, Bulacan. Siguradong mabibighani ka sa kakaibang kariktan ng luntiang kapaligiran at malawak na hardin.

Stress reliever ito para sa mga makakakita ng luntiang tanawin gaya ng mga halaman, makukulay na bulaklak at ma­yayabong na puno.

Pinaghalong moderno at rural na pasilidad ang makikita dito.

Hindi pa man din ako nakakalusong sa mapang-akit na swimming pool ay ramdam ko na ang preskong maidudulot sa akin ng tubig at sariwang hangin ng lalawigan.

How to get there?

Baliwag Transit sa Grace Park ang pinakamadaling sasakyan kung manggaga­ling ka sa Malabon.

Meron ding terminal na matatagpuan sa Cubao. Sumakay sa bus na biyaheng Cabanatuan o Baliwag.

Tiyak na dadaan ito sa Plaridel, Bulacan na karaniwang P61 per head ang pamasahe at bumaba sa Waltermart kung saan nakapila ang maraming tricycle na maghahatid sa inyo sa Grass Garden Resort.

Karaniwang tatlo katao lamang ang lulan ng tricycle sa halagang 60 pesos bawat biyahe.

Maaaliw na ang iyong mga mata sa tanawin ng mga bukirin, farm animals at mga magsasaka habang tinatahak ang kalsada sa gilid ng patubig o irrigation.

Madadaanan din ang maliit na palipa­ran o airport ng PATTS College of Aeronautics. Training ground ito ng mga nag-aaral na gustong maging piloto.

Presyong Sulit

Kung Day Time Swimming ang balak, 200 pesos ang entrance fee para sa adult at 150 naman para sa batang edad 8 pababa.

Para sa Night Swimming, 220 sa adult at 170 sa bata. Maraming mapagpipiliang cottages, cabana at nipa hut na marerentahan mula 300 hanggang 1,500 depende sa laki at capacity na kaya nitong i-accommodate.

Kung may budget naman ay huwag nang magpabitin at mag-enjoy ng 22 hours stay sa mini-hotel sa halagang 2,500 per room na good for 6 persons.

May dagdag na 200 per head na entrance fee at malaya nang makakalangoy sa 2 swimming pools at jacuzzi.

Napapaligiran naman ito ng mga puno kaya malilim pa rin kahit open pool ang nilala­nguyan mo. Hind­i rin problema kung walang baong pagkain dahil mayroong canteen at Grass Garden Grill for short orders.

May karaoke Area, Billiard Hall, Basketball Court at Spa sa loob ng resort.

Picturistic Ambiance

Picture-perfect ang Grass Garden Resort and Villas para sa Photo Shoots or yung matic na sel­fie, groufie at video capture. Romantic ambiance para sa Dates, Proposal, Pre-Nups at Wedding.

Best choice din ito for special events tulad ng Wedding, Debut, Reunions, Birthdays at iba pa dahil sa maganda at malawak nilang Function Hall at Pavillon.

Tara na!… Mag unwind at mag swimming. Sulitin na ang Summer Days sa Huling Hirit sa Tag-init!