Mag-ensayo sa bahay sa panahon ng corona virus

Lahat ng mamamayan ay nasa bahay lang ngayon dahil sa enhance community quarantine na ipinapatupad ng ating gobyerno.

Kadalasan, nanood lang tayo ng telebisyon, nakahiga sa kama, sa sofa, nagkokompyuter o nakatutok sa ating mga cellphone. Ito na lang talaga ang pwede nating gawin sa ating mga tahanan bawat araw.

Sa mga gustong mag-ehersisyo, pwede rin naman sa ating tahanan, pero siguraduhin lang na meron pa rin iyong ina-advise ng pamahalaan na “social distancing.” Walang physical contact sa ibang tao habang nag-eehersisyo.

Solo lang ang puwede, katulad ng ginagawa ko araw-araw. Tumaktakbo ako sa bahay mag-isa for 30 minutes sa maliit na espasyo. Solb na solb na iyon para sa akin.

Sa mga bata naman na mahilig magbasketbol, ngunit wala silang makalaro na ibang bata sa mga araw ngayon dahil sa ECQ, maari pa rin kayo mag-ensayo sa bahay.

Unang-una, mag-stretching. May mga stretching drill para sa likod, sa mga braso, sa hita, sa baywang, sa balikat , sa hamstring at sa neck. Kadalasan, tayo at subukan abutin ang ating mga paa. Mag- stretching din pa-side. Maraming drills, at kung gusto ninyong maraming matutunan, hanapin lang ninyo sa internet, nandoon lahat.

Pagka-stretching, mag-brisk walking tapos jogging in place. Kung naramdaman natin ang konting pagod, huwag pipilitin. Magpahinga at uminom ng tubig . Kapag nakapag-warm up na tayo, kumuha ng bola at mag dribble in place pa rin.

Subukan natin magdribol ng kaliwang kamay, kanang kamay, alternate dribbling, between the legs, behind the back, figure of eight dribbling , at iba pa. Gamitin ang mga daliri sa pag-dribble, at huwag gamitin ang palad. Marami sa internet ang drills para sa dribble.

Susunod, puwedeng mag-ensayo kung paano pumasa. Maglagay ng marker sa dingding ng bahay, kumuha ng bola at ipasa doon sa marker. Tiyak babalik ang bola, at ulitin hangang gumaling na sa pagpasa.

Kapag ni-release natin ang bola galing sa dalawang kamay, dapat may follow thru at nakaturo sa sahig ang dalawang thumb. Ito ang tamang pagpasa. Pagkatapos nito, mag ensayo rin tayo ng “behind the back pass”.

Habang nakatayo tayo sa side ng dingding, mag-behind the back pass, patungo sa marker sa dingding. Pagkatapos, pwede tayo mag-ensayo ng pag-shoot lalo na kung may basketball goal tayo sa bahay. Pero kung wala, ok na rin yung pag-dribble at pagpasa.

Ito ang konting mga tip kung paanong mag-ensayong kapag mag-isa sa bahay.