Mag-exercise para sumigla!

Anuman ang iyong edad, kailangan mo ng regular na ehersisyo para sa magandang panga­ngatawan. Marami nga­yon ang walang sapat na ehersisyo. Bakit mahalaga ang ehersisyo?

Makatutulong ito sa iyo para:

*Makatulog nang maayos.
*Maging maliksi.
*Manatiling malakas ang buto at kalamnan.
*Mapanatili o maabot ang tamang timbang.
*Mabawasan ang tsansang dumanas ng depresyon.
*Maiwasan ang maagang kamatayan.
Kung hindi ka mag-eehersisyo, mas malamang na ikaw ay:
*Magkaroon ng sakit sa puso.
*type 2 diabetes.
*alta presyon.
*mataas na kolesterol.
*Ma-stroke.

Ang uri ng ehersisyong angkop sa iyo ay depende sa iyong edad at kalusugan, kaya makabubuting kumonsulta muna sa doktor bago umpisa­han ang anumang ehersisyo.

Batay sa iba’t ibang rekomendasyon, ang mga bata at kabataan ay nanga­ngailangan nang hindi­ bababa sa 60 minuto ng katamtaman hanggang puspusang ehersisyo araw-araw.

Ang mga adult naman ay dapat magkaroon ng 150 minuto ng katamtamang ehersisyo kada araw o 75 minuto ng puspusang ehersisyo linggo-linggo.

Pumili ng aktibidad na mae-enjoy mo. Puwede mong subukan ang basketball, tennis, soccer, brisk wal­king, pagbibisikleta, paghahalaman, swimming, jogging, o iba pang aerobic exercise.

Paano mo malalaman kung ang isang aktibidad ay katamtaman o puspusan? Karaniwan na, papawisan ka sa katamtamang ehersisyo, pero hihingalin ka naman sa puspusang pag-eehersisyo.