Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Merlin. Pls. find additional information below sent by the OFW.

We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona

U-OFW

***

Ako po si Marivic Racca Merlin, isang taon at siyam na buwan na dito sa Saudi Arabia at namamasukan sa isang Abdullah Almoagel.

Pebrero 20, 2015 pa po ako dumating dito sa Saudi sa pamamagitan ng Gold and Green Manpower Management and Development na ang counterpart sa Saudi ay Khalid al Musharaf Office.

Ganito po ang problema ko mag-9 months na po na hindi binibigay sahod ko. Bale may kasama po ako ibang lahi parehas po kaming hindi nakakasahod nang regular.

Kapag nagsasabi po siya lagi sinasabi ng amo ko wala. Kinabahan po ko kung magtatagal pa ko dito nagpapagod lang po ako sa wala. Isang buwan na nga lang po mahirap nang magbigay what if pa po ‘yung ganu’n na kalaki. Dalawa pa kami gusto ko na pong umuwi.

Lumapit na pamilya ko sa OWWA at agency November last year kaso wala po nangyari.

***

Nakipag-ugnayan na si G. Monterona sa mga ahensyang nagpadala kay Ms. Merlin pero wala pa ring nagiging aksyon ang mga ito. Ang U-OFW ay nakipag-ugnayan sa BayaniKa upang makalampag ang nasabing mga tanggapan gayundin ang OWWA at POEA.

Panawagan sa GOLD & GREEN MANPO­WER MANAGEMENT & DEVELOPMENT SERVICES, INC. gayundin sa POLO-OWWA RIYADH OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR.

Nailahad namang mabuti ni Ms. Merlin ang kanyang kaawa-awang kalagayan at sapat na itong rason para mabigyang-pansin ang kanyang panawagan.

Kumilos na rin pala ang kanyang mga kaanak sa Pilipinas pero walang naging malinaw na aksyon dito ang OWWA.

Kaya sa pamamagitan ng BayaniKa, nana­nawagan tayo sa POEA at OWWA na tulungan si Ms. Merlin dahil kaawa-awa ang sitwasyon nito.

Mahabang panahon na itong hindi sumasahod at kailangan niya ng garantiya na maka­singil upang makauwi ng Pilipinas.