Nagsimula na ang vibe ng Halloween ngayong linggong ito kaya naman abala na ang lahat sa pag-obserba ng All Soul’s Day.

Masaya at makulay ang season na ito sa mga Pinoy. Okey lang naman na mag-enjoy at mag costume sa gustong magparticipate sa mga contest at themes.

Lumalabas ang weirdo, spooky, creepy, horror, impersonation ta­lent at creativity ng mga Pinoy sa ganitong okas­yon.

Lagi lang po nating iisipin ang kaligtasan natin sa mga lugar na pinu­puntahan, lalo na’t ang marami ay sagaran kung mag-party.

Ang pag-inom ay bahagi ng lifestyle natin, pero ilagay natin sa tama at kontrolin natin ang a­ting mga sarili para makaiwas sa aksidente at gulo.

Gabayan at samahan ang mga bata sa trick or treat para makaiwas sa kapahamakan.

Huwag hayaang mag-isa o pawang mga bata lang ang magkasama sa pagbabahay-bahay. Hangga’t maaari dapat may kasama silang mas matanda sa kanila.

Huwag ha­yaang lumayo o tumawid pa ng kalsada ang mga bata para lang sa trick or treat.

Kung may activity sa isang lugar para sa kanila, manatili na lang sila doon at samahan.

Sa mga pupunta ng sementeryo, laging tandaang ingatan ang mga personal na ga­mit at mga batang kasama.

I-check ang mga comfort room kung gumagana ba ito.

Ang pinakaimportante sa lahat, itapon sa tamang basurahan ang mga kalat.

Maging maingat at res­ponsable po tayo sa panahon na ito ng pag-alala sa ating mga yumao.