Mga kasabong mara­ming for sale ulit na warriors na pino-post sa Facebook.

Paalala lang, kilatisin muna ang mga katran­saksyon ninyo upang hindi maloko at masayang ang inyong pera.

The best po ay meet up para kaliwaan ang abutan.

***
Katatapos lang ng World Slasher Cup 1 sa nakaraang buwan at ito na naman naghahanda na ang mga tatlong nagkampeong nakaraan dahil sasali ulit sila sa WSC2 upang makadalawa ngayong taon.

***

Sa mga tropa natin sa Ilocos na mga naglaban noong Linggo, bawi tayo, 1-1 ang iskor nila.

***

Mga klasmeyt hindi pa tayo makasilip sa sabungan kaya wala tayong mabatikos.

Nagko-cover pa kasi ako ng 10th LBC Ronda Pilipinas 2020 bikathon.
Naagaw na ni George Oconer ang Red Jersey, isusuot niya ito bukas sa Stage 6.

Ang ganda ng laban, mainit ang bantayan ng Standard Insurance-Navy at 7Eleven.

***
Happy Birthday sa mga kasabong natin na magdidiwang ngayong Pebrero.