Mag-ingat sa pinirmahang waiver

Clear It by Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,

Hi mam. Magtanong lang po ako mam. May pautang po ako na 86K po. Ngayon po ay hindi sila tumupad sa usapan na arawan na hulog hanggang sa umabot na po sa due date.

Ngayon po ang gusto nila ay magbigay lang sila araw-araw ng P500. Ano po mam ang dapat kong gawin? May waiver po kami na pipirmahan sa utang nila. Mara­ming sa­lamat po at sana ay masagot ninyo ito… Thank you po. God bless po!
Mariz

***
Dear Mariz,

As of now ay hindi ko alam ang pinoproblema mo talaga. Ang lahat ng pagdedesisyon ay nasa iyo. Kung sa palagay mo ay wala ka nang masisingil sa kanila ay tiyak na mapipilitan kang sumang-ayon sa gusto nila na P500 kada araw lang ang masisingil mo.

Pero alalahanin mo ang proposal na ito dahil baka wala ka nang inte­rest na masingil pa lalo pa na may sinasabi kang waiver na pipirmahan.

Unang-una ay linawin mo ang pag-compute ng babayaran nila. Gaano ito katagal at magkanong interest ba ang maibabayad nila.

Mas mainam din siguro kung may mga postdated check silang ma issue sa iyo para mas may proteksiyon ka kung sakaling hindi sila magbayad. Hindi mo kasi masasabi kung tunay na ba sila sa magiging usapan ninyo o hindi.

Isa pang pagkaingatan ay ang pipirmahan mong waiver kasi baka lumabas na hindi ka na maniningil pa ng interes kundi ‘yung principal na utang na lang. Muli ang sasabihin ko ay nasa iyo ang pagdedesisyon.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.