Nasubukan mo na bang mag-island hopping sa Rapu-Rapu, Albay? Planuhin mo na with your family and barkada, super breath taking ang mga beaches dito dahil sa taglay nitong natural na ganda.
Kung gusto mo ng mabilis na biyahe papuntang Legazpi City, via plane ang piliin mo, medyo mabigat nga lang ang airfare compared via bus terminal na matatagpuan sa Pasay at Cubao, ang problema via land ay ang nakakainip na walong oras o higit pang travel time depende sa bus company na pipiliin.
May dalawang boat trip mula sa Embarcadero de Lepazpi port papuntang Rapu-Rapu island, ang 1st trip ay 7am at 2 pm naman ang susunod.
Pakunsuwelo sa almost 2 hours na boat ride ang masilayan ang perfect cone view ng Mayon Volcano.
Pagdating sa Rapu-Rapu port sa Barangay Poblacion ay maaari na kayong kumausap ng mga fisherman na puwedeng arkilahin ang mga bangkang de motor, wala pa kasing regular na bangkang bumibiyahe papunta sa mga beaches ng Rapu-Rapu. Ang presyo ng boat trip ay depende sa layo ng beaches na gusto mong puntahan.
First stop – GUINANAYAN ISLAND

Una mong puntahan ang Guinanayan Island, ang tinaguriang “Pearl Island of Albay”. I suggest na umalis ng madaling-araw para hindi abutin ng low tide, bahagya kasi kaming naantala dahil sa mababaw na dagat dulot nito, pero sulit naman ang mahigit na isang oras na paglalayag dahil nakita namin ang mga naggagandahang corals at iba’t ibang uri ng isda dahil sa mababaw na tubig dagat.
Tanggal inip din ang maputi at pinong buhangin ng isla.
Abot kaya ng bulsa
Alam n’yo bang twenty pesos lang ang entrance dito, mura rin ang cottage at puwedeng mag-arkila ng tent kung feel n’yong mag-overnight. Sariwa at mura ang mga pagkain tulad ng alimasag, pusit at isda na puede mong ipaluto sa mga mababait na staff. Slow ang wifi signal pero kung gusto mo ng pansamantalang katahimikan at connection sa nature ay pihadong matutuwa ka.
Isunod ang CARUGCOG BEACH

Next stop na puedeng puntahan ang Carugcog beach, “walang entrance fee”, hindi pa kasi develop ang beach pero enchanting ang mga naglalakihang rock formation pati na rin ang malinaw na tubig nito.
Obligado kang mag-arkila ng bangkang de-motor para marating ang Carugcog. 30 minutes mula sa Rapu-Rapu Island ay maaari ka ng mag-tampisaw at mag-relax sa malamig na beach nito.
Huwag kalimutang magbaon ng pagkain at tent kung nais mong magpalipas ng gabi sa Carugcog. Banayad ang dagat kahit anong oras mo gustuhing magtampisaw dito. Hindi problema ang banlawan dahil sa malamig na at crystal clear na tubig mula sa falls ng isla.
Isama rin ang BALETE BEACH

Pinakamadaling puntahan mula sa Rapu-Rapu island ang Balete Beach. Open para sa lahat ng gustong mag-swimming para maibsan ang init ng panahon ang beach na ito.
“Walang entrance fee,” maghanda ka lang ng budget para sa bangka. Huwag mo ring kalimutang maghanda ng pagkain, tent, at iba pang kutkutin at inumin kung gusto mong magtagal at ma-enjoy ang balete beach.
Super ganda ang mga naglalakihang bato, pati na rin ang malinaw na dagat. Idagdag mo pa ang maraming punong puwedeng silungan habang nagpapahinga. Puede mo ring i-try ang na magtampisaw o magbanlaw sa malamig na falls ng balete.
Tara na mga dabarkads, pasyal na sa Rapu-Rapu, Albay.
Thanks Hans for the info..
Sir kung gusto nyo po na mas madali ang papuntang Guinanayan Island, pwede din po kayo manggaling ng Misibis Port sa Misibis Bay Resort 30 15to 25 minutes boat ride lang po nasa Guinanayan na kayo. Kung bus naman po ang sasakyan nyo galing Cubao or Pasay sakyan po ang deretsong Tabaco Albay, then pwede po magpahatid sa San Roque Port Tabaco or mag tricycle. Sakay po kayo ng bangka na bumabyahe papuntang Galicia or Villahermosa ay dinadaanan po ang guinanayan. Time of departure from Tabaco ay between 10 am to 12pm.