Swak sa kulu­ngan ang magkapatid at isa nitong kasamahan nang maaktuhan habang bumabatak ng hinihinalang shabu sa kanilang bahay sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite.

Nasa kostudiya ng Silang Custodial Center ang mga suspek na sina Jefren Dollete, 26, at Marlon Dollete, 23, at Dovey Madiza, 45, pawang mga tricycle driver at residente ng Block 145 Lot 2 AFP Housing, Brgy. Bulihan.

Nahuli ang tatlong suspek makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa nagaganap na pot session sa nasabing lugar dakong alas-11:50 Linggo nang umaga.

Narekober sa lugar ang dalawang­ sachet ng shabu, aluminum foil at shabu paraphernalia na ginagamit ng mga suspek.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 ang isinampang kaso laban sa mga suspek.