Buking ang modus operandi ng magkapatid at live-in partner ng isa nang magsabwatan upang ilusot ang mahigit P2,000 halaga ng mga grocery item sa

pinapasukang grocery store sa Dasmarinas City, Cavite

Sinamoahan ng kasong qualified theft ang magkapatid na Ma. Theresa Maqui, 19, at Trisha Mae Maqui, 20, at sa live-in partner ng una na si Gene Oleary, 25, matapos ireklamo ng lady guard na si Jennifer Villegas.

Nabatid na si Ma. Theresa ay kahera sa grocery store habag sales clerk naman ang bayaw nitong si Gene.

Sa ulat ni PSSgt Gilbert Santos ng Dasmarinas Police Station, dakong alas-1:55 kamakalawa ng gabi nang mapansin ni Villegas na tila may iregularidad na ginagawa sina Ma. Theresa at Gene habang naka-duty sa grocery store.

Ayon kay Villegas, nagkunwari umanong namili si Trisha Mae at pagdating sa casher lane ay napansin niyang pina-punch ni Theresa ang ilang pinamili ng kanyang kapatid habang ang iba ay idinideretso sa eco bag ni Gene.

Paglabas ni Trisha Mae ay sinita ni Villegas at hiningi ang resibo ng ilang item na kanyang pinamili subalit wala itong naipakita dahilan upang arestuhin ang tatlo

Narekober kay Thrisha Mae ang tinatayang P2,074 halaga ng mga grocery item.

Sa pulisya, nalaman na si Ma Theresa at Trisha Mae ay magkapatid habang live-in partner naman ng una si Gene. (Gene Adsuara)