BULACAN – Isang tulak na kabilang sa Drug Personality list ng Guiginto Municipal Police Station(MPS) at kanyang kapatid ang kapwa nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Guiginto police makaraang magsabwatan sa pagbebenta ng droga sa undercover agent sa isinagawang buy-bust operation sa Baranga Poblacion, Guiginto sa lalawigang ito kamakalawa ng tanghali.
Sa report ni P/Major Rolando Geronimo, Chief of Police (COP) ng Guiginto MPS, kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang mga naarestong sina Joselito Dela Pena y Jose, 59, nasa drug personality at kanyang nakababatang kapatid na si Jose Dela Pena, 53, kapwa nakatira sa Barangay Poblacion, Guiginto. Sila ay kapwa nakakulong ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Bandang alas-11:00 ng tanghali nang magsagawa ng buy-bust operation ang SDEU, ng Guiginto police sa Barangay Poblacion at target nila si Joselito.
Matapos ang week long surveillance operation ay kumagat ang suspek at kapatid nito sa iligal na transaskyon kaya hindi na nakapalag nang arestuhin sila ng undercover agent at SDEU ng Guiginto police. (Jun Borlongan)