Arestado ang magkapatid at kanilang pamangkin sa buy-bust opeĀration sa Gen. Trias City, Cavite kamakalawa ng hapon.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkapatid na Jennifer, 45, at Victor Macalawa, 42, at ang kanilang pamangkin na si Alfred Macalawa, 19, pawang residente sa Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias City.
Sa ulat ni Pcpl. Jayson Olivar ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation sa Brgy. Pasong Camachile 1 kung saan target ang suspek na si Alfred.
Nakuha umano sa kanyang pag-iingat ang tinatayang 0.47 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,000.
Makalipas lang ng ilang minuto, ikinasa ang isa pang buy-bust operation kung saan target naman ang magkapatid na Jennifer at Victor na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Nakuha sa magkapatid ang tinatayang 0.74 gramo ng shabu na may street value na P5,000.
Nakakulong na sila ngayon sa Gen. Trias City Custodial Center. (Gene Adsuara)
–