Himas rehas ang magkapatid na sina Vien, 23, Emanuelto Mahinay, 25, makaraang magpositibo sa iligal na droga sa ikinasang buy-bust sa Silang, Cavite.

Batay sa ulat mula sa Silang Municipal Police Station, alas-9:00 Linggo ng gabi nang isagawa ang operasyon sa Brgy. Poblacion, Silang, Cavite kung saan target ang mga suspek.

Nagkutsabahang nakipagtransaksiyon ang magkapatid sa poseur buyer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto. Nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang sachet ng shabu at P200 na buy-bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin ng dalawa. (Gene Adsuara)