Naghahanap si Justice Secretary Menardo Guevarra ng magaga­ling at mapapagkaitiwalaan na makakapalit ng mga senior officials na pinagbitiw niya sa Kagawaran.

“I’m still in the process of looking for good and trustworthy people to help me at the DOJ,” ayon kay Guevarra.

Nabatid na tatapusin muna ni Guevarra ang election ban para sa SK at Barangay elections sa Mayo 14 para sa bagong line-up ng mga opisyal sa DOJ.

Sa memorandum na inilabas ni Guevarra noong Abril 30 hiniling niya sa lahat ng mga top level official ng DOJ na mag-resign para malaya niyang maisakatuparan ang mandato na ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duderte.

Sa kabila na inirekomemda ni Guevarra ang pagbibitiw ng matataas na opisyal pero ang Pangulong Duterte pa rin ang pinal na magpapasiya.

Habang nakabinbin ang desisyon ng Pa­ngulong Duterte, patuloy na magre-report sa kanilang tungkulin ang limang undersecreta­ries at pitong assistant secretaries.

Layunin umano ni Guevarra na maibalik ang nasirang dignidad ng DOJ.