Magaling na host, naisahan ng user-friendly na reporter

BEWARE of this news reporter na MANGGA as in manggagamit!!!

User! Abuser!

Yes! Siya ang nagbabait-baitan, feeling matulungin at ang hanash eh kilala ang lahat lalo na ang mga boss.

Isang magaling na host ang naisahan ni news reporter.

Kinaibigan niya ito nang bongga as in nagchichikahan na sila ng mga problema sa work, lovelife at pamilya.

Bilib na bilib si host sa mga kuda ni news reporter to the point na pinauutang niya ito kung kapos sa budget.

Halos magkapatid na ang turingan nila. Pati sa mga bigating­ contacts ni host, ipinapakilala si news reporter.

Siyempre, may palitan na ng digits.
Iyong doktor na BFF ni host, close na close na rin kay reporter.

Libre na ang mga check-up ni news reporter. Madalas na pati gamot, free na rin.

Halos two years na silang close nang mapansin ni host na hindi na sila masyadong nagkikita ni news reporter.

Kung magkausap man sila, sandaling-sandali na rin. Anyare?

One time, nag-e-FB si host, na-sight niya na kasama ni news reporter ang pamilya ng friend niyang doctor at iba pang frendship nitong doctor din.

Shaklulu si host.

Nandoon din ang fa­mily ni user-friendly na news reporter.

May mga dermatologist, psychiatrist, pediatrician, eye doctor pati yata albularyo na kinarir ng potah.

Ang mga beshie at friendship ni host na yayamanin, nagamit na rin ng user-friendly news reporter.

Nangungutang si news reporter at laging chika na may problema sila sa bahay, may sakit ang mudrabelle niya at shupatengga, pati ang neighborhood association.

Naikuwento ng dalawang rich friends ni host kung paano sila iyakan ni news reporter para makautang ito nang WALANG TULUGAN! Este, WALANG BAYARAN!

Sa ngayon, hindi pa nagkukrus ang landas ng dating magkaibigan.
Umiiwas na kasi si news reporter.

Naramdaman niya na hina-hunting na siya ng taong nagamit niya nang labis-labis, sobra-sobra!