Marami ang nagulat sa ‘diplomatic move’ ni US President Donald Trump na may code name na POTUS na may kaugnayan sa North ­Korea.

Ang White House, Pentagon, US Capitol at ang diplomatic community sa Washington kasama na ang media ay tila nabigwasan ni Trump.

‘Unprecendented’ ang tawag ng mga White House insider, kauna-unahan ang aksyon ito ng nakatira sa 1600 Pennsylvania Avenue, Washington, DC.

Ang tinutukoy ko ay ang pagkikita nina Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un, bagama’t wala pang tiyak na araw at lugar kung saan magkikita ang dalawang ‘kontrobersiyal’ na lider.

Tinawag naman ng mga mamamahayag na nakatutok kay POTUS na ‘diplomatic coup’ ang announcement nang pagkikita nina Trump at Kim.

Sa halip na ang White House o State Department at mag-anunsiyo, sa ‘request’ mismo ni Trump, ang bumisitang mataas na lider ng South Korea na si National Security Adviser Chung Fui-Yung ang humarap sa Press Corps at inanunsiyo ang ‘historical meeting’ nina Trump at Kim.

***

Hindi pa man, nakakalapag ang eroplano ng ‘high level delegation’ ng South Korea mula sa Washington pabalik ng Seoul, ang iba’t ibang mga komentaryo at reaksiyon ay agad nagsulputan.

Ang ‘social media’ ay pinutakti ng sangkaterbang ‘tweet’. Isa na rito ay mula mismo kay POTUS na habang humaharap sa White House Press Corps si Chung, tinawagan naman ni Trump ang mga lider ng China at Japan at ‘exci­ted’ na ibinalita ang kanyang pakiki­pagkita sa lider ng North Korea. Hyper ang tema ng tweet ni Trump.

Trending sa social ­media ang nakatakdang pagkikita ng dalawan­g lider, na sa pagsisimula pa lamang ng 2018 ay nagpalitan ng mga maaanghang na akusasyon sa bawat isa.

Ngunit sa isang iglap, nagkasundong magkita at mag-usap. Agad maganap sana at huwag maudlot, sa isang iglap din.

***

Ano kaya ang nagbunsod kay Trump at big­lang nagbago ang pag-iisip sa pakikitungo sa North Korea?

Ang mga malalapit na adviser ni Trump ay blangko sa mga pangyayari. Walang makitang dahilan kung bakit agad-agad ang desisyon ni Trump na makipagkita kay Kim Jong-Un.

Hindi kaya ang dahilan ay ang inaasahang epekto ng taripa sa bakal na ipatutupad ni Uncle Sam?

Bagama’t ang target ng mataas na taripa sa bakal ay ang China, ma­laki naman ang tama nito Japan at South Korea na kapwa kaalyado ng Estados Unidos?

Bilang isang ma­galing na negosyante, ‘wild card’ kaya ni Trump ang North Korean leader na si Kim, para mawala ang ‘init’ na epekto ng ma­taas na taripa sa bakal?