Maganda ang bakbakan sa PBA Finals

Marahil napanood niny 44th Philippine Basketball Association 2019-2020 Governors’ Cup best of five semifinals kung saan tinalo ng Barangay Ginebra San Miguel ang NorthPort, 3-1.

Sa huling laban ng Gin Kings sa Batang Pier sa Game Four, pinakita ni import Justine Brownlee kung sino talaga ang hari sa mga ireinforcement, wagi nga ang team niya 120-107.

Kumayod ang former Best Import ng 36 points, 19 rebounds, 8 assists, 3 steals at 2 blocks. Nakatulong niya sina Japeth Aguilar na may 20 markers, 9 boards at 7 feeds, LA Tenorio na may 19 pts. at 6 asts., at Stanley Pringle na may 18 puntos, 6 rebs. at 4 asts.

Biruin ninyo, apay na manlalaro ang mga gumawa ng 18 puntos pataas. Maganda ang distribution ng bola sa mga player ng Ginebra.

Sa kabilang serye ng TNT kontra Meralco, matindi ang labanan na umabot ng Game 5.

Sa knockout nitong Lunes, December 23, pinakita ng Meralco ang galing, at nasungkit ang panalo upang makatungtong ulet sa championship round kontra BGSM.

Nagpakitang gilas si rookie Bong Quinto na naka-19 pts., at pinangaralang Best Player of the Game. Ayos din si Chris Newsome na may 23 puntos. Ngunit ang laro ng import na si Allen Durham ang naiba. Kamuntik siyang mag-triple-double sa 28 pts., 10 rebs. at 8 asts.

Maganda rin ang takbo ng laro nila kontra KaTropa, palitan ng lamang, ngunit sa umpisa ng fourth quarter, bumulusok si Quinto at gumawa ng 8 puntos, at di na nakahabol ang TNT.

Ang depensa ng Meralco ang nanaig pa sa larong iyon.
Sa ikatlong pagtutuos sa finals ng Meralco at Ginebra, sino kaya ang magwawagi?

Mukhang match na match ang laban. Pantay sina Brownlee at Durham, mukhang halos pantay sila ng galing.

Sa big men medyo lamang ang Ginebra. Sa Meralco naman, nandiyan si Raymond Almazan. Kahit ‘di siyang kasing laki nina Greg Slaughter at Aguilar, mukhang maganda ang tandem nila ni Durham, at talagang lumalaban din sa ilalim.

Sa posisyon ng guardia, ang Tenorio–Pringle combination naman ang pinakamatinding backcourt sa PBA. Ngunit maganda ang pinapakita ni Baser Amer sa Meralco, na naging Best player of the Game sa isang laban sa serye.

May matinding depensa naman sina Cliff Hodge at Quinto. Maganda ang seryeng ito. Anybody’s game talaga. Abangan natin ito simula sa January 8.