Dear Editor,
Maraming matutuwang mga sundalo, pulis at mga pampublikong guro kung maisasabatas ang isang bill na inihain ng isang kongresista na si Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte. Ito naman ay may kaugnayan sa adhikain ni President Duterte na magkaroon ng maayos na buhay ang ating mga lingkod-bayan. Believe ako sa adhikaing ito ni President Duterte, ayaw niyang makikitang naghihirap ang kanyang nasasakupan.
Ako rin ay natutuwa dahil siguradong makakapag-aral na ang aking mga pamangkin na anak ng aking sundalong kapatid kung sakaling ma-approve ito. Hindi na poproblemahin ang pan-tuition at allowance nila kapag nagkolehiyo na sila. Magandang panukala ito.
Malaking kaayusan ito sa buhay ng ating mga pulis, sundalo at public teachers.
VIVIENNE B. PABUSTAN
Alaminos, Pangasinan
***
Dear Sir,
Kahanga-hanga naman itong isang Pinay na hinirang bilang “Best International Student”. Ito ay naganap sa passing-out parade ng 131 naval officers ng Britannia Royal Naval College (BRNC) sa Dartmouth, United Kingdom noong Agosto 11.
Siya lang ang natatanging babae sa mga international students mula sa Albania, Bahamas, Egypt, Libya, Qatar, UEA at Ukraine. Siya ay si Ensign Maycee Angga PN. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nakapagtapos sa 30-linggong training course sa BRNC.
Kabilang din sa training course ang study visit sa France at three-week acquaint kung saan itinalaga si Ens. Angga sa HMS Bulwark, isang amphibious assault ship na nagpapatrolya sa karagatan ng UK.
Saludo kami sa inyo Ma’am, ENS. MAYCEE ANGGA PN.
MSG DOMINADOR ALCANTARA (Ret)
Agoo, La Union