MASAYA ang mag-concert hopping kapag Valentine’s Day. Merong Valentine show na ang isang magandang actress, ang ka-date ay isa ring babae na nakapandamit lalake.

Confirmed!

Member ng Tung Dynasty ang magandang aktres na ito.

Kaliga ng mga TomBoy Abunda.

***

Meron namang show na beki couples ang namayani.

Andiyan ang reality show finalist kasama ang kanyang boyfriend.

Ang nilalako niyang aktor na pamhintang durog din ay nasa ibang concert kasama ang ibang kaibigan sa dilim.

#LoveWins

***

Halatang walang boses at parang galing sa lupa ang tinig ng isang senior singer na mataas bumirit noong araw.

Sayang at hindi tuloy napangatawa­nan ng grupo niya ang magandang HARMONY nila noon.

***

Medyo sablay na ring kumanta ang isang singer na maraming hit songs.

Tulad ng dati, sobra pa rin itong pa-cute kaya naitatawid niya ang kawalan ng power ng boses at ang kapos na hini­nga sa kanyang pagpapaka-sweet at pagbe-baby talk.

***

Sobrang mahal ng tickets ng concert ng kilalang artist na ito. Pero ang mga tauhan na mismo ng venue ang nagbenta ng tickets para tauhin ito.

Sayang naman!

***

Kasabay ng mga pasa­bog sa Valentine’s Day ang revelation ng isang aktor na exclusively dating sila ng isang aktres na kasama niya sa pelikula.

Talaga? Exclusively?

Parang hindi ‘yan ang alam ng tao. At ng aktres!

Magaling talaga sa pasabog at press release ang aktor na ito.

***

TOP sa takilya ng North America last weekend (Pebrero 10-12) ang bagong bukas na The LEGO Batman Movie ($53M).

Pangalawa ang ba­gong bukas din na F­ifty Shades Darker ($46.6M).

Pangatlo ang isa pang kabubukas lang na John Wick: Chapter Two ($30.4M).

Pang-apat ang Split ($9.5M), na n­aka-$112.5M sa apat na weekend.

Panlima ang critically acclaimed na Hidden Figures ($8M), na naka-$131.5M sa walong weekend.

Pang-anim ang A Dog’s Purpose ($7.3M), na naka-$42.5M sa tatlong weekend.

Pampito ang Rings ($5.6M), na naka-$21.3M sa dalawang weekend.

Pangwalo ang La La Land ($4.9M), na naka-$126M sa sampung weekend.

One Response

  1. Sobrang mahal ng tickets ng concert ng kilalang artist na ito. Pero ang mga tauhan na mismo ng venue ang nagbenta ng tickets para tauhin ito.

    Sayang naman!- B.I- VICE KABAYO CONCERT?