Dear Sir,
Malugod na sinalubong ng Mayapay tribe ang Army battalion sa Alubijid, Buenavista, Agusan del Norte noong sabado.
Ginawaran pa ng ritwal ang 23rd Infantry (Masigsig) Battalion at binigyan din ng sertipikong nag papatunay na pinahihintulutan ng kanilang tribo ang Army sa kanilang teritoryo.
Mabuting pangitain ito na ang mga katutubo nating kapatid ay nagtitiwala sa Hukbong Sandatahan.
Sana ang lahat ng tribo ay makipag-ugnayan sa ating kasundaluhan at magkaroon ng magandang koordinasyon upang sakanila pa lamang ay magsimula na ang pagsawata sa mga NPA at iba pang bandidong grupo tulad ng Maute at Abu Sayyaf.
Kailangan nating isaalang-alang na hindi lamang gobyerno at sundalo ang dapat sumugpo sa terorismo.
Sa simpleng pagiging aktibo, alerto at bukas na pakikipag-dayalogo sa mga alagad ng batas ay maaring maging malaki ang tungkulin na ating magagampanan sa paglaganap ng mga teroristang aktibidades.
Jersan R. Arguilles
Mindoro
***
Dear Sir,
Ginigiit pa rin si PSupt. Maria Cristina Nobleza na trabaho ang kaniyang ginagawa ng mahuli sa checkpoint noong Sabado sa Bohol kasama ang boyfriend na Abu Sayyaf na si Rennour Lou Dongon. Walang maiprisinta na operation plan si Nobleza sa mga pulis.
Kaniyang inamin na plano nilang i-rescue ang isang miyembro ng Abu Sayyaf na sugatan sa bakbakan sa Clarin, Bohol.
Dapat na maimbestigahan din ang mga nakatrabaho ni Nobleza maaaring mayroon pang kasabwat ang mga ito o mayroong sangkot sa ASG.
Wala naman dapat na ikabahala ang mga nakatrabaho ni Nobleza kung talagang wala naman silang kinalaman sa ASG.
Hindi kukunsintihin ng pamahalaan ang ganitong pangyayari nasa pwesto man o wala ang mga nasasangkot na “men in uniform”.
Ang mahalaga rito ay nabawasan ang sablay na opisyal na sumisira sa dangal at dignidad ng ating kapulisan. Maling-mali ang pag kampi niya sa ASG na s’yang pangunahing kalaban ng organisasyong kanyang kinabibilangan.
Mark Talledo
Cebu