Kasalukuyan nang naghahanap ang Philippine National Police (PNP) ng magandang klase ng wire-tapping device na magagamit sa pagmamanman sa mga drug lords.
Ito ang nabatid kay PNP chief Director GeneĀral Ronald dela Rosa sa pagdalo nito sa pagbubukas ng Asean Defense Security and Crisis Management exhibit.
Sa nasabing exhibit, mahigpit na binusisi ni Dela Rosa ang mga pinakabagong kagamitan tulad ng vest at helmet na maaring gamitin ng mga pulis sa mga anti-drug operation.
Sinabi ni Dela Rosa na naghahanap na siya ng epektibo at kasya sa pondo na wire-tapping device.
Dagdag pa ni Dela Rosa na malaking tulong sa PNP na mabantayan ang komunikasyon ng mga sangkot sa iligal na aktibidad.