Rocco Nacino, Aljur Abrenica, Jake Vargas at Derrick Monasterio
Rocco Nacino, Aljur Abrenica, Jake Vargas at Derrick Monasterio

PINAGSAMA-SAMA ng GMA Artist Center ang apat na Kapuso leading men para sa Oh, Boy! concert sa Music Museum sa September 23.

Ang sabi nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Jake Vargas at Derrick Monasterio, sa Sunday All Stars lang sila dati magkakasamang nagpe-perform.

Natuwa sila na magagawa nila ito ulit at maipapakita nila ang ibang side nila bukod sa pag-arte.

Sey ni Aljur, excited silang mag-perform dahil hilig talaga nila ang singing and dancing.

Baka ito na rin ang simula ng pagiging boyband nilang apat. Wish niya na magkaroon sila ng tour at hopefully ay album.

Tsika pa ng Kapuso hunk na music idol si Adam Levine at ang Up Dharma Down, ipapakita niya ang naughty side niya sa gabing ‘yon.

May kani-kanyang karakter silang apat na gagampanan. Si Aljur ay motorbike rider.

Promise niya na mabubusog ang audience kaya magbaon daw ng kanin.

“Magpapakita po kami ng ano… basta, magpapakita po kami!” natatawang tease ni Aljur.

***

Si Rocco ay handang-handa na raw sumabak sa ganu’ng concert dahil nag-voice lessons pa siya at nag-prepare para rito.

Ang pamil­ya ni Rocco ay sadyang mahilig sa music at musical instruments.

Natuwa siya na ang Artist Center ay nag-e-experiment ng ganito para maging total perfomer sila.

Sina Usher, Justin Timberlake, JayR at Kris Lawrence ang favorite music artists ni Rocco.

Aniya, madaling tanggalin ang mga suot nilang apat sa gabing ‘yon. A very naughty night ang pinapangako ng isa sa mga stars ng Encantadia.

Kailangan daw lakasan ang aircon sa loob ng Music Museum dahil tiyak na iinit ang lugar.

Police officer ang karakter na natoka kay Rocco.

Biro niya, maghuhubad siya ng pants ala Magic Mike at mang-aaresto ng nasa audience.

***

Si Jake ay noon pa mahilig kumanta at maggitara.

Mga banda ang paborito niya tulad ng The Click Five at The 1975. Sa local ay si Gary V ang idol niya.

Pangako ni Jake na gagawin nilang lahat ang best nila.

Hindi niya raw ka­yang maghubad at makipagsabayan sa tatlong kasama niya.

Aniya, baka mag-boxers na lang siya sa stage.

Pizza boy ang karak­ter ni Jake sa gabing ‘yon. Sa solo spot niya ay maggigitara siya at kakantahin ang isang bagong song ng The Chainsmo­kers.

***

Si Derrick ay may choral training nu’ng bata at doon siya natutong kumanta.

‘Come what may’ ang drama ng Kapuso hottie sa Oh, Boy! concert. Kung ano raw ma-feel niya during that moment ay ‘yun ang gagawin niya.

“If they ­want it, they can get it!” ang naughty line ni Derrick, na ‘revealing’ ang description sa show.

Sina Josh Groban at Martin Nievera ang music idols ng 21-anyos na Kapuso hunk na naughty professor ang karakter sa show kaya meron siyang mga pa-yummy moments.

***

Puro NGANGA ang lovelife ngayon nina Aljur, Rocco, Jake at Derrick.

Okey lang daw kay Aljur kahit 2 years na siyang single.

Marami pa raw siyang gagawin sa buhay at marami pang paliligayahin.

Si Rocco ay naniniwalang they are at their prime now kaya kailangang priority ang career.

Work comes first at ang lovelife ay darating din. Basta masaya raw siya ngayon.

Si Jake, okey lang na maging single sa edad na 24. Sarili na lang daw muna niya ang kanyang ie-explore.

Si Derrick ay busy at walang maibigay na time para sa lovelife, kaya okey lang na single muna siya ngayon.

Welcome daw ang mga EX nilang apat sa Oh, Boy! na ang guest nila ay si Julie Anne San Jose.

One Response