Maging kalmado habang nagmamaneho.

Ito ngayon ang apela ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director Chief Supt. Oscar Albayalde sa mga motorista.

Ito’y upang maiwasan umanong masangkot sa away-trapiko at aksidente sa lansangan.

Magugunitang mainit na isyu ang nangyari sa isang Army reservist na pinatay at pinagbabaril ang isang siklista dahil lamang sa gitgitan sa kalye.

Naniniwala si Albayalde na kung maging kalmado lamang lahat ng mga motorista ay maiiwasan ang naturang insidente.

Bukod dito, sinabi pa ng opisyal na hindi dapat nagdadala ng baril ang mga taong hindi kayang kontrolin ang sarili lalo na kapag nagagalit.

Sa halip na baril o anumang armas, pinayuhan ng opisyal ang mga motorista na tuwing magmamaneh­o ay magbaon na lamang ng maraming pasensiya at ­mananatiling kalmado upang makaiwas sa away at disgrasya.