Kanokis, maraming nag-pPM sa’tin sa Facebook ‘yung iba ay pare-pareho ang mga tinatanong at paulit-ulit na rin kaya hindi ko na nire-replayan kasi nasagot ko na ‘yung iba.
Ginagawa ko na lang ay ibinibigay ko na lang yung link ng kolum ko sa Abante Tonite na Dalusapi para dun na lang nila basahin. Nasa Sabong Online ng Abante ang ibang mga kasagutan.
Tungkol sa pagko-condition ng manok ay maraming paraan ‘yan, magbasa lang kayo sa mga sabong website at makakakuha kayo ng istilo at madadagdagan ang kaalaman ninyo sa conditioning.
Sa mga patuka ng manok, mas mainam kung saan hiyang ang inyong panabong, kaya hindi ako nagrerekomenda. Pareho naman mabisa ang mga nabibili nating patuka.
Pero kung gusto ninyong malaman kung ano ang magandang panuka sa mga kinukundisyon ninyo, eh PM ko sa inyo.
***
Nilarga na ang 2018 World PitMasters Cup 9-Stag International Derby kahapon sa NewPort Performing Arts Theater sa Resorts World.
Nagsimula ang 2-stag Eliminations, (Bakbakan/Digmaan Banded Stags) Set A sa alas-12 ng tanghali.
Kaya sa mga magta-trabisya ay good luck sa inyo at sana maging masaya kayo manalo o matalo.
***
Uod sa kare-kare ng Max’s sa Trinoma Mall. Yuck! Anyare? Lumaki rin akong palaging kumakain sa Max’s mabuti na lang at chicken ang hilig ko he he he.