Arwind A. Santos

Ni Sarah Jireh Asido

Pero hindi iyan ang pagkatao ng 34-anyos, isinilang sa Angeles City, at may taas na 6-4 forward ng San Miguel Beer.

Lumaki siya sa may payak na pamumuhay kasama ang kanyang mga magulang at isa tatlong magkapatid. Hindi naging madali ang buhay niya sa Pampanga, dumaan sa pagbabakal-bote-diyaryo at padyak boy o pedicab driver.

Puno ng hirap at pagsubok pero mas puno ng sipag at tiyaga. Ni minsan ay hindi siya sumuko, kaya naman ­umangat nang lubusan, at kalauna’y isa na sa matatagumpay na propesyonal na basketbolista na matagal nang miyembro ng PBA Millionaires Club.

Ang maangas sa court ay gayundin sa tunay buhay. Hinarap lahat ang bawat pagsubok ng ating Abante TONITE Lodi Atletiko sa araw na ito. Walang takot, ni hindi nagduda sa kakayanan niya, walang imposible aniya sa kanya.

‘Yan ang kanyang mga sandata sa kanyang buhay, idagdag pa ang malalim at malakas na pananalig sa Maykapal. Hindi takot magkamali o pumalpak, dahil ang mahalaga sa kanya ay kung paano babangon at lumabang muli para makamit ang tagumpay na inaasam. Basta sa lahat ng pagkakataon, itotodo at ibibigay ang lahat ng makakaya niya.

Bago pa umakyat sa pro league noong 2006 na first pick, second overall ng Air21, angat na talaga ang sipag niya sa hardcourt. Nakilala na isa mahusay na manlalaro ng Far Eastern University Tamaraws sa University Athletic Association of the Philippines noong 2002-2005, at maging sa Philippine Basketball League (dating PABL).

Mula sa Express nalipat siya San Miguel noong 2009 kung saan ­namutiktik ang kanyang career sa magkakasunod na mga tagumpay at karangalang nakamit.
Kung siya ang masusunod, papiliin niyang magretiro bilang Beermen.

****

q&a

TONITE: Ano ang sikreto mo sa pagtagal sa PBA?
Santos: Unang-una, kailangang alagaan ang physical. Hindi ka dapat masyadong umiinom o naninigarilyo, lalo na ang droga.

TONITE: Parte ba talaga ng strategy ninyo ang mag-intimidate every game ng kalaban?

Santos: Ako, hindi naman sa intimidation. Gusto ko lang ang respetuhin ako ng mga nakakatapat ko, ng mga kabantayan ko na isipin lang nila, na maiisip nila na ako si Arwind, na okay makakalusot ka, pero hindi lagi.

Magdadalawang isip ka pa rin sa akin paminsan-minsan. Hindi pa rin ako basta-basta magpapatalo.

TONITE : Sino ba talaga si Arwind sa labas ng court?

Santos: Kagaya ninyo lang rin naman ako, tao lang din. Hindi nila ako kilala, nami-misinterpret lang nila ako, porke’t ganito lifestyle ko, PBA, San Miguel ganyan, o champion, hindi na ako puwedeng makausap o hindi mo ako puwedeng harangin para magpa-picture ka, puwede po!