HINIKAYAT ni Pangulo Rodrigo Duterte ang sambayanan na magdasal para malagpasan ang pagsubok na dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID -19 sa bansa.

Inihayag ito ng Pangulo matapos ideklara ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa ilang lalawigan sa Luzon.
Ipagdasal din aniya ang mga doktor at health professionals, gayondin ang mga manggagawa, ang gobyerno at ang bansa.

“I solemnly urged everyone to pray to the Almighty God, who has the power to defeat every enemy, visible or invisible. Pray for all doctors and health professionals and workers, pray for your government, pray for the country,”anang Pangulo.

Palakasin aniya ang paniniwala para malabanan ang COVID-19 at magkaisa para malagpasan ang kinakaharap na hamon pg hatid ng nabanggit na sakit.

“Let us remain strongly united in spirit to figtthis dreaded disease. And with our unity and the blessing of God, we shall overcome,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Tali­ping)