Maggie, Arci, Ryza, Denise paseksihan

abante-tonite-maggie-arci-ryza

Kanya-kanyang seksing emote ang mga star sa kanilang mga Instagram post habang ayaw pang humupa ang init ng summer ngayong Mayo. Patalbugan sa kaseksihan.

Sa kanyang Instagram post, nakahiga si Arci Muñoz sa puting buhangin sa tabi ng dagat.

Naka-two piece red swimsuit ito. Kitang-kita ang biyak ng abs ni Arci at ang nakausling hip bone nito.

Puwede na ngang mabosohan at masilip ang hiyas ni Arci sa pagkakaangat ng waistgarter ng suot niyang bikini bottom.

Kung paangasan rin lang naman nng katawan, hindi papatalo ang beauty queen TV host na si Maggie Wilson.

Pamatay ang nakaka-elyang profile photo nito suot ang isang two-piece black swimsuit.

Patataob din ba ang dating Kapuso star na ngayo’y Kapamilya na, na si Ryza Cenon?

Ipinaskil niya ang backview photo shot sa kanyang Instagram habang nakaahon ang katawan sa may gilid ng pool. Hindi puwedeng hindi pansinin ang magandang photo lalo’t nagpapakita ito ng kasek­sihan ni Ryza. Ramdam pa rin ang reservation ni Ryza sa pagpapakita ng katawan.

Sa back shot nito, lumalabas na handa nang makipagsabayan si Ryza sa mga sexy stars ng ABS-CBN 2.

Hindi rin pahuhuli si Denise Laurel. Diyosa ang dating kahit may bumabakat sa basang-basa niyang swimwear. Hot momma pa rin.

Sey nga ng netizens, @ iamclairyy, “Girl on fire.”

@jeff14_, “Saraaaap.”

@desiree_marinas, “@jazzvillarin sexy grabe ang hot talaga ni @d_laurel.”

Pasabog talaga silang apat ngayong summer.