“Sexy with class” ang puwedeng ibansag kay Maggie Wilson. Hindi dahil sa pagiging isa niyang better wife ng kilalang construction magnate, kundi dahil sa kung paano niya palabasin ang sarili niya nang hindi bastusin ang dating.
Marami siyang bikini shot sa kanyang Instagram account.
Meron na rin itong topless, bun exposure at halos mabosohan sa makitid nitong bottom swimsuit.
Pinagpantasyahan na siya ng libo-libong male netizen at tomboy pero wala ni isang nambababoy sa kanyang post.
Paano ba namang babastusin ang mga larawan ni Maggie kung ang mga naka-background sa mga ito ay kagandahan ng lugar na siyang subject sa travelog o show nito?
Lalong tumitingkad ang ganda ng nature na pinupuntahan ni Maggie sa kanyang classy sexiness. Wari’y nanghahalina ang kanyang alindog sa mga turista.
Problema ng netizen kung babastusin nito ang larawan o bikini shot nito, lalo’t hindi naman pang-porn ang intensyon ni Maggie. (Rey Pumaloy)