Maggie sinasamba ang alindog

Kakaiba talaga ang isang Maggie Wilson. Mahirap pantayan, mahirap sabayan, mahirap kabugin.

Paano mo ba naman tatapatan ang kanyang alindog samantalang para itong isang diyosa na kahit kailan ay hindi bababa sa kanyang trono.
Hindi lang kapuri-puri ang kaseksihan ni Maggie. Talagang sasambahin mo ang kanyang alindog.

Kahit ang kalikasan ay natutuwa sa kariktan ni Maggie. Mas binibigyan nito ng viewing pleasure ang anumang natural resources na nakapaligid sa kanya. Binubuhay nito ang kapaligiran.

Marami na ang nagtatanong, marami ang nainggit, marami ang nagkakaroon ng inspirasyon dahil sa kaseksihan ni Maggie.

Paano nga ba makukuha ang ganitong pamatay na alindog? Kahit man lamang ang isang bahagi ng kaseksihan nito ay mapapasakanila.

May isang anak na si Maggie, pero hindi pa rin napipi­ngasan ang kanyang kaseksihan.

Siguradong mapapa-wow ang sinuman sa mga certified Victoria Secrets model sa ganda ng pigura ng travel host.

Kung meron pang adult entertainment magazine hard copy sa ‘Pinas, siguradong pag-aagawan si Maggie para lang bumenta ang kanilang kopya.

Tama lang na Maggie ang pangalan ng dating Kapuso star, katulad ng pangalan ng isang brand ng seasoning. Ang kanyang kaseksihan ay lalong nagpapasarap sa araw ng mga nakakakita, lalo na ang mga kalalakihan.