Maghari nawa ang pagmamahalan sa ating mga puso ngayong Pasko FOR THE RECORD

Jeany Lacorte


Pasko na naman, hayaan niyong batiin ko muna ang ating Panginoong Hesus ng maligayang kaarawan at Merry Christnas sa ating lahat.

Pero ang nakakalungkot po, sa halip na kapayapaan ang maghari sa ating puso bilang regalo kay Lord, heto at puro karahasan ang nangyayari sa ating paligid.Nakalulungkot, nakaririndi.

Hindi man lang nangilin ang mga walang pusong ito, walang patawad, ilang oras na lang ang bibilangin para sa kaarawan ng ating Panginoong Hesus pero patuloy pa rin sa paghahasik ng lagim.

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ng  mga  utak sa pagkakapaslang kay AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe?O ‘yung mga nautusan at nabayaran para patayin ang kongresista na ikinadamay pati ng kanyang escort?Nakakatulog pa kaya sila nang mahimbing? O para lang silang nagpatay ng pulang langgam na kumagat sa kanila na ikinatuwa pa nila nang madurog nila?Napakabait ng kongre­sistang ito.

Kilala ko po si Cong­ressman Batocabe.Walang masamang tinapay sa mamang ito. Mahal siya ng lahat ng kanyang nakilala. Siguro nga, may diperensya ka na ‘pag naging kaaway mo siya.

Ganyan kabait ang kongresistang ito.

Kaya marahil ganun na lang ang takot sa kanya ng mga nagkainteres sa kanyang buhay.

Kung hindi ba naman mabait si Cong.Rodel eh magtutulu­ngan ba ang ilang kongresista para makalikom ng P3 mil­yon na umakyat na sa P32M para ma­ging reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormas­yon at makapagtuturo sa utak sa krimen?

Sana lang PNP Chief Oscar Albayalde maresolba na agad ang pagkakapaslang kina Cong. Batocabe at escort niya.

Huwag na po sanang abutin ng New Year at maigawad na agad ang hustisya para sa mabait na mambabatas.

Isang panawagan din po ito para sa mga taong may nalalaman sa krimen,  makipag-ugnayan po sana kayo sa pulisya at ipagtapat ang inyong nalalaman.Mapuno po sana ng habag ang inyong mga puso. 

Panahon po ito ng pagmamahalan.

Maghari po sana sa mga puso natin ang diwa ng Pasko nang sa ganun at magawa natin ang tama para sa ating mga sarili at sa ating kapwa.Muli, Maligayang Pasko po sa ating lahat!

anyan kabait ang kongresistang ito. Kaya marahil ganun na lang ang takot sa kanya ng mga nagkainteres sa kanyang buhay.

Kung hindi ba naman mabait si Cong.Rodel eh magtutulu­ngan ba ang ilang kongresista para makalikom ng P3 mil­yon na umakyat na sa P32M para ma­ging reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormas­yon at makapagtuturo sa utak sa krimen?

Sana lang PNP Chief Oscar Albayalde maresolba na agad ang pagkakapaslang kina Cong. Batocabe at escort niya.Huwag na po sanang abutin ng New Year at maigawad na agad ang hustisya para sa mabait na mambabatas.Isang panawagan din po ito para sa mga taong may nalalaman sa krimen,  makipag-ugnayan po sana kayo sa pulisya at ipagtapat ang inyong nalalaman.

Mapuno po sana ng habag ang inyong mga puso. Panahon po ito ng pagmamahalan. Maghari po sana sa mga puso natin ang diwa ng Pasko nang sa ganun at magawa natin ang tama para sa ating mga sarili at sa ating kapwa.Muli, Maligayang Pasko po sa ating lahat!