Magic bunot ng Elite si Javier

Si Chris Javier ang sorpresang hugot ni coach Bong Ramos nang nakakagitlang kubabawan ng Blackwater ang Rain or Shine 111-99 Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Sa panalo ay pumasok ang Elite sa win-column ng PBA Philippine Cup elims pagkatapos umpisahan ang torneo sa 0-2.
Nagsumite ang 6-foot-5 center/forward ng double-double na 16 points at 13 rebounds, may 3 assists pa.

Nakukulangan pa si Javier sa kanyang produksiyon.

“Parang I want it more pa,” anang 26-an­yos na produkto ng UE at second round pick ng Star noong 2016. “Balik ako ulit sa training bukas, at ayun, pakondis­yon pa rin.”

Pinatagal siya ni Ramos ng 33 ½ minutes sa loob, binigay niya raw lahat para hindi mapahiya at hindi masira ang tiwala ng coach.

“Effort lang, go hard lagi sa game,” dagdag ni Javier. “Ready lang ako, focus lang. Every time na tawagin niya ako, kung ano ‘yung gusto niyang role ko.”