MAGHAHASIK na ng magic si Lola Goreng (Gloria Romero) sa Daig Kayo Ng Lola Ko ­simula bukas sa GMA.

Si Lola Goreng ay isang fairy, kaya ang mga apo niyang sina Alice (Jillian Ward) at Elvis (David Remo) ay may powers din.

Inampon nila ang batang si Moira (Chlaui Malayao) na napulot nila sa kalye.

Sey ni Ms. Gloria, “Sa totoo lang, itong mga batang kasama ko dito, ang ­gagaling. I can see their passion in acting.

“Minsan, nahihiya nga ako. Kasi, ako ‘yung madalas magkamali.

“Sila, they can deliver their dialogues right away. Alam nila agad ‘yung lines nila. They come to the set prepared.

“So, ako, nahihiya ako whenever nagkakamali ako.”

Masaya ang mga batang ­artista na nakatrabaho nila ang institusyong tulad ni Ms. Gloria.

Kuwento ni Jillian. “Tuwing break po namin sa set, nakaka­tuwa ‘yung stories ni Ms. Gloria, kasi, makakahanap ka talaga du’n ng ­inspiration para mas pagbutihan mo pa ‘yung work mo.”

Sambit ni David, “Si Lola, nakakatuwa. Kasi makulit din ­siya at nakikipagbiruan sa amin.”
Guest si Marian Rivera sa ­pilot episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Ang direktor nito ay si ­Rico Gutierrez.