Maginaw sa Baguio City

Nakapagtala ng pi­nakamababang temperatura ang Baguio City na uma­bot sa 10.6 degrees Celsius nitong Sabado nang umaga kasabay ng pagsisimula ng Panagbenga Festival.

Ayon kay Lary Esperanza, meteo­rologist ng Philippine Atmospheri­c, Geophysical and Astronomical Servi­ces Administration (Pagasa) sa Bagui­o City, maaaring bumaba pa ang temperatura sa lungsod dahil sa amihan na lalong lumalakas pagdating ng buwan ng Pebrero.

Ang naitalang temperatura sa Baguio nitong Sabado ang pinakamababang naitala umano ngayong taon.

Karaniwang nagiging malamig lalo sa tinaguriang ‘Summer Capital’ ng Pilipinas pagpasok ng buwan ng Enero at Pebrero.

Ang pinakamababang temperature na naitalaga sa Baguio City ay umabot ng 6.3 degrees Celsius noong Enero 18, 1961. (PNA)