Nanawagan ang isang senador sa taumbayan na maging mapagmatyag sa kapaligiran dahil ito ang magiging panabla sa mga walang katuturang karahasang nagaganap sa bansa.
Iginiit ito ni Sen. Gregorio ‘Gringo’ Honasan matapos ang pambobomba sa Hilongos, Leyte gamit ang improvised explosive device (IED).
“The bombing at Hilongos, Leyte painfully reminds all of us that constant vigilance helps coordinate our responses to senseless violence,” giit ni Honasan.
“Let’s pray for the victims and act now to prevent the same from happening again by supporting our front line local government and law enforcement agencies,” ayon sa senador.
Higit kumulang sa 31-katao ang sugatan sa pagsabog na dulot ng IED habang isinasagawa ang boxing match malapit sa Hilongos Municipal Plaza nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Regional Office 8, isinugod sa Hilongos District Hospital ang mga sugatan.
Unang iniulat ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalo na sampu ang namatay sa insidente pero binawi rin niya ito.
Alam ni Gringo iyan dahil utak iyan ng maraming coup na hindi nagtagumpay.