Sadyang matulungin si Barbie sa pamilya at laging binabanggit sa ina, kapatid at tiyahin ang pagnanais niyang ipagpatayo ang mga ito ng malaking bahay sa kanilang lalawigan sa Pampanga kasabay ng pangarap na makaipon ng P20 milyong halaga ng salapi.
Mayo ng taong 2016 nang makilala ni Barbie si Che Yu Tsai o Jayson Santos Lee sa isang sangay ng Starbucks sa Makati city at mula noon ay naging masigasig na ang dayuhan sa panliligaw sa bagong kakilala.
Si Jayson ay dumating sa bansa noon lamang buwan ng Abril bilang turista bagama’t hindi na nabatid ng pulisya kung ano ang kanyang negosyo o pinagkakakitaan.
Kinakitaan naman ni Barbie ng kagandahang-loob si Jayson hanggang sa mapadalas na ang kanilang pagkikita at kadalasan ay mismong ang homosexual pa ang bumibisita sa tinutuluyang condominium ng dayuhan sa Unit No. 1154 Tower D. Shell Residences, Mall of Asia (MOA) Complex sa Pasay City.