Magkaibigan nilamon ng ilog

Patay ang magkaibigang dalaga nang malunod habang sa ilog sa Lucena City, Quezon noong Sabado.

Kinilala ng Lucena City Police ang mga nasawi na sina Michaela Amargo, 18, at ang 15-anyos na si Jana Marie Cadacio, parehong residente ng Brgy. Ibabang Iyam.

Ayon sa report ng mga imbestigador, nalunod ang dalawa matapos na mapapunta sa malalim na bahagi ng Morong river sa Brgy. Salinas habang nagsu-swimming dakong alas-4:30 ng hapon.

Ayon pa sa pulisya, bandang alas-tres ng hapon nang palihim umanong nagtungo ang mga biktima at ang 9 pa nilang kaibigan sa ilog sa karatig na barangay at nag-picnic sa ilog sa kabila ng umiiral pang general community quarantine.

Sumakay ang grupo sa trolley at binagtas ang riles para makaiwas sa mga control point.

Parehong wala nang buhay ang mga biktima ng masagip ng mga nagrespondeng barangay tanod ng lugar. (Ronilo Dagos)