Magkakaalaman sa Mayo 13

Kaye Dacer

Tiyak na todo-todo ngayon ang ngitngit ng kalaban ng mga Cayetano dahil swak sa basurahan ang kanilang petisyon na humihirit ng diskuwa-lipikasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Caye-tano sa pagtakbo nito bilang representative ng unang distrito ng Taguig at Pateros.

Kinuwestyon sa Comelec si Cayetano dahil ginamit nito sa kanyang certificate of candidacy (COC) na nakatira pa rin ito sa 209 Paso Street, Brgy. Bagumbayan, Taguig City kahit may bahay na ito sa 353-A Two Serendra, Fort Bonifacio, Taguig.

Pero ayon sa Comelec, malinaw na walang ginawang false representation si Alan. “His domicile remains to be that in Barangay Bagumbayan, which has been his domicile from 1991 up to the present,” ayon sa inilabas na desisyon ng Comelec.

Masyadong inisyu sa mga Cayetano ang pagtakbo ni Alan bilang kongresista ng Unang Distrito habang ang kanyang misis na si dating Mayor Lani ay tumatakbo namang congresswoman ng Ikalawang Distrito.

Bukod pa sa tumatakbo naman ang kapatid ni Alan na si Lino Cayetano bilang mayor ng Taguig.

Kaya naman hindi nakakapagtakang maisyuhan ang mga Cayetano ng political dynasty. Pero hindi nga ba’t ang mga tunay na botante ng lugar ang nakakabatid kung sino ang karapat-dapat para sa kanila? Marahil napagod na ang mga botante ng Taguig sa mga dati nilang pinuno na wala na ngang nagawa ay nasangkot pa sa mga isyung droga kumpara sa mga Cayetano na consistent sa pagbibigay ng magagandang proyekto sa loob ng mga taon.

At kung pagbabatayan ang pinakahu-ling survey ng Pulse Asia ilang araw bago ang halalan, pabor ang mga taga-Taguig at Pateros sa mga Cayetano.

Sa survey, 64 percent ang pumili kay Alan bilang congressman sa 1st District ng Taguig-Pateros laban sa kanyang katunggali na si Allan Cerafica na 36 percent lamang. Habang milya-milya rin ang inilalamang ni Mayor Lani na nakakuha ng 76 percent kumpara sa 21 percent ni Che Che Gonzales. At si Lino Cayetano naman ay nakakuha ng 65 percent at kalahati lamang ang nakuha ng kanyang kalaban sa pagka-mayor na si Arnel Cerafica na nakakuha lamang ng 33 percent.

Hindi na kami magugulat kung magkakaroon ng landslide win ang mga Cayetano pagdating ng eleksyon. Kaya ngayon pa lang, tiyak na hindi na maipinta ang mga mukha ng mga kalaban.

Abangan na lamang natin ang mga susunod na pangyayari!
***
Bukambibig ng mga taga-Pasay si Konsehal Arnel Moti Arceo sa darating na halalan.

Ito ang lumabas na resulta ng mga huling survey kung saan ay lumabas na No. 1 si Konsehal Moti sa hanay ng mga konsehal.

Kung sabagay, ilang termino na si Konsehal Moti sa at lagi naman siyang number 1 tuwing eleksiyon.

Siyempre nga naman tunay at walang itinatakdang oras kung magserbisyo si Konsi.

Katunayan, bukod sa opisina sa city hall ay bukas din at 24-oras sa bahay ang mga taga Pasay na mangangailangan ng kanyang tulong.

Pero kahit nanga-ngamoy panalo itong si Konsi ay nariyan pa rin ang kanyang magandang hanga-rin para sa mga taga-Pasay katulad ng lib-reng pananghalian sa mga grade school at high school students para nga naman magkaroon ng tamang nutrition ang mga estudyante.