Magkakaroon na ng curfew sa Makati

Upang maiwasan ang anumang pang-aabuso sa kabataan tulad ng sinapit ni Kian Loyd Delos Santos, hiniling ng Pamahalaang Lokal ng Makati sa Sangguniang Panglungsod na aksiyunan agad ang Child Protection Ordinance na magpapatupad ng curfew hour para sa menor de edad sa lungsod.

Ang panukalang ito na isinusulong ng Makati City Council for the Protection of Children (MCCPC) ay nagtatalaga ng oras ng curfew hour para sa mga batang wala pang 18 taong gulang, simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-kuwatro ng madaling-araw.

Layunin aniya ng Child Protection Ordinance, na tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan laban sa anumang uri ng krimen at upang maiwasan din ang kanilang pagkakasangkot sa anumang gawaing labag sa batas.

Dahil ayaw nilang maulit sa lungsod tulad ng sinapit ng estudyanteng si Kian na pinatay ng mga police Caloocan matapos itong dakpin sa Oplan Galugad kamakailan.