
WALEY: Kontrobersyal ang biro ni Alex Gonzaga na isa sa hosts sa 33rd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies.
Pagkatapos magwagi ni Luis Manzano bilang Darling of the Press, nagbiro si Alex nang tanungin niya si Luis ng, “Magkano mo nabili ang award mo?”
Luis took it well at hindi na nag-comment pa dahil pagkatapos noon ay naging kontrobersyal na ang biro ni Alex.
I should know na joke ‘yun dahil magkaibigan talaga sina Luis at Alex (na maaaring hindi alam ng lahat ng mga tao na nasa Resorts World Manila).
Mas magandang basahin ang reaksyon ng mga tao sa sinabing iyun ni Alex.
“Taklesa. Wala sa lugar. Hindi nakakatawa,” hirit ng ilang miyembro ng grupo.
Sinang-ayunan ito ng maraming netizens na nagsabing bakit ba si Alex ang napiling host?
In fairness, competent si Alex na mag-host. Bago pa man siya pumunta sa PMPC Star Awards noong Linggo ay nag-post siyang masakit ang kanyang lalamunan but being the real PRO that she is, tumuloy pa rin siya sa nasabing okasyon.
Nang lumabas na ang sari-saring reaksyon sa sinabi ni Alex, naging mas interesante ang ibig sabihin nito.
May nagalit at nagsabing IN BAD TASTE ang remark at big disrespect daw ito sa tagapagbigay at binigyan ng awards.
“It’s not the kind of remark na isinasapubliko, marahil OK lang ‘yan kapag between friends — sila ni Luis.”
Beyond the initial OMG at OUCH at patawa na reaksyon, meron ding nagsabing matapang si Alex para sabihin ‘yun bagama’t nakakaloka.
Ang kaibigan natin mismo na si Sol Gorgonio ay nagsabing, “It’s sarcasm. I think it’s the most relevant question of the night. Sana, matanong ‘yan sa Miss Q&A!”
Tinanong namin ang mga kasamahang guro sa komunikasyon sa pamantasan tungkol dito at ang sinagot nila sa akin, “What Alex said was a joke, and we should take it as it is. Kung walang na-offend o guilt sa pagkakatanggap ng grupo ng PMPC dito, then it stays as a joke.
“Naging interesting na lang tuloy when the people started reading into the reactions and not just the actual statement — na in the first place, joke nga!”
So, wala bang malisya ‘yung joke? Para kay Alex — parang wala.
Pero bakit parang nasapul at nasaktan ang iba?
Well, congratulations sa mga kaibigan kong nanalo kahit hindi nagbayad. (In fairness, marami sa awardees ay mas deserving.)
Well, as I said, kanya-kanyang taste ‘yan.
Magkaiba ang taste ng mga taga-EDDYS at writers ng PMPC except for ATE VI.
Pero bongga at dumalo hindi lang ang Star-For-All-Seasons kundi pati na ang nag-iisang Superstar.
That alone spelled the STAR AWARDS’ reason for existence. (Sidetracked talaga ang mga starlet.)
Up next na ang FAMAS Awards!!!
***
HAVEY: Heto ang mga havey na usapan sa likod ng mga camera na nakalap ng ating mga kaibigan na aligaga sa field noong weekend.
OVERHEARD 3 EXCITING CONVERSATIONS SA NAKARAANG STAR AWARS FOR MOVIES
Usapan ng dalawang premyadong artista sa backstage:
Artista 1: Sino ang mahusay na indie director ngayon?
Artista 2: Si Brillante Mendoza. Siya ang gumawa ng (nag-enumerate ng mga pelikula ni Direk Dante).
Artista 1: Nahihilo naman ako sa mga anggulo niya.
Artista 2: (Katahimikan.)
END
***
Interview with Ana Capri after winning best supporting actress sa Star Awards for Movies:
Reporter: Congrats, Ana!
Anna: Salamat po!
Reporter: Saang movie ka nga pala nanalo?
Anna: (nakalimutan)
Reporter: Sa Pila Balde ulit?
Anna: Part Two.
END
***
During a lull time sa award
Fan: Rey! Rey Pumaloy! Pa-picture po!
Rey: (Deadma)
Fan: Ay! Ayaw niya magpa-picture
Rey: (Lumingon sa isa pang reporter at inginuso si Julia Bonifacio na in fairness ay nakangiti naman. Umalis na lang ang fan.)
END
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.