Napatay kahapon ng militar ang magkapatid na Abu Sayyaf na siyang nasa likod ng maraming kidnappings sa Sabah, Malaysia.

Inanunsyo ni Major Filemon Tan, spokesman ng Western Mindanao Command, ang pagkakapaslang kina Nixon Muktadil at kapatid nitong si Brown Muktadil sa Tambulian Island na sakop ng bayan ng Pata sa Sulu province.

Sabit umano ang kilabot na magkapatid sa kidnappings ng 26 na Malaysian at Indonesian tugboat crew members sa karagatan ng Sabah na nasa border lamang ng Tawi-Tawi province.

“The death of the Muktadil brothers is a major blow to the group of Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya because they served as the sea guides and navigators during conduct of kidnappings at the high seas,” wika ni Tan.