Magkapatid tepok nang magduwelo sa Laguna

Kapwa patay ang magkapatid matapos magsaksakan sa Calauan, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Calauan police ang mga nasawi na sina Leonardo Aberilla Lozano, 47; at Ernesto Aberilla Lozano, 64, kapwa residente ng NHA site 3, Barangay Sto. Tomas, Calauan.

Batay sa report, bandang alas-10:40 ng gabi, nag-iinuman ang may matagal ng alitan na magkapatid kasama ang ilang kaibigan nang bigla na lang nagbunot ng patalim ang matandang Lozano at pinagsasaksak ang kapatid.

Bagama’t sugatan, nagawang makaganti ng saksak ng batang Lozano.

Kapwa isinugod sa ospital ang magkapatid subalit parehong idineklarang dead-on-arrival.