Magna Carta for Barangay isinusulong

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagbuo ng Magna Carta for Barangay para sa mga reporma sa pinakamababang yunit ng pamahalaan.

Sa Senate Bill No. 2097, nais ni Angara na palakasin ang mandato ng barangay para sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa komunidad.

Sa panukala ay kikilalanin ang mga barangay official bilang mga regular government employee na may fixed salary, allowance, insurance, medical at dental coverage.

Kasama rin sa isinusulong sa panukala ang pagbibigay ng retirement benefit at iba pang benepisyo na nakukuha rin ng reĀ­gular employee.

Sinabi ni Angara na layun ng panukala na maalagaan ang kapakanan ng mga barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng basic services at facilities tulad ng regular na suplay ng malinis na tubig, public transportation, health center at barangay hall.

Layon anya nito na mabigyan ng tunay na autonomy ang mga barangay bukod pa sa maisusulong ang automated release ng share mula sa national taxes, pagĀ­lilipat ng pondo sa barangay para sa pagsasagawa ng mga kalsada at mga tulay, mandatory share sa taxes, fees at iba pang charges.