“Kung gusto nating mapalaking maayos ang mga bata, unahin nating bigyan ng atensyon ‘yung mga taong mismong nag-aalaga sa kanila.”

Ito ang iginiit ni Laguna 3rd District Rep. Sol Aragones kasabay ng panawagan sa Kongreso na ipasa na ang House Bill 3407 o Magna Carta of Daycare Wor­kers upang wakasan na ang “endo” sa daycare workers.

Ang nasabing panukala ay umabot ng 3rd reading noong 16th congress subalit bigo itong maisabatas.

Sakop ng panukala ang lahat ng Early Childhood Care and Development (ECCD) sa pampubliko at pri­badong sektor na gaya ng regular employed workers ay tatanggap ng benepisyo tulad ng Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth), Social Security System (SSS) o Government Service Insurance System (GSIS), Cost of Living Allowance, overtime pay at retirement benefits.

Nanindigan si Arogones na kung gagarantiyahan ng gobyerno ang security of tenure ng mga daycare worker ay kapalit nito ang pagbuti rin ng kanilang trabaho at sa kabuuan ay pag-angat ng kalidad ng early childhood care and education sa bansa lalo pa at ang mga daycare worker ang tumatayong ikalawang ina sa paghubog sa mga bata.